Sa caregivers na gustong magtrabaho sa Japan, dapat hintayin ang anunsiyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para hindi mapahamak.

Ito ang babala ng POEA matapos mabatid ang patuloy na unauthorized recruitment para sa Technical Internship Training Program (TITP) ng gobyerno sa Japan.

Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia, na may mga natatanggap silang ulat hinggil sa mga kahina-hinalang licensed at unlicensed recruitment agencies na nag-aalok ng placements para sa caregivers sa ilalim ng 2016 TITP Act of Japan.

Niliwanag ni Olalia na ilegal ang recruitment dahil hindi pa sila nakakapaglabas ng guidelines para sa naturang kategorya sa ilalim ng TITP.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Mina Navarro