Isa pang biktima na hinihinalang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia ang naisailalim sa autopsy ng Public Attorney’s Office (PAO).

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, ito na ang ika-64 na kaso na kanilang nasuri.

Ang batang si Crystal Mae Gaton, 10 taong gulang, ay naturukan ng Dengvaxia vaccine noong Setyembre 14, 2017. Mayo 2018 nang makaranas siya ng mga sintomas, nanghina, at namatay nitong Hunyo 20, 2018.

Tulad ng mga nagdaang kaso, nakiitan ng brain at multi-organ bleeding at multi-organ enlargement, partikular sa atay at bato, ang biktima.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

-Beth Camia