Itataya ng walang talong si WBO No. 11 at sparring partner ni eight-division world titlist Manny Pacquiao na si “Ferocious” George Kambosos Jr. ang kanyang world ranking sa Pilipinong si JR “Star Boy” Magboo sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon sa DiBella Entertainment, magsisilbing undercard ang sagupaan nina Kambosos at Magboo sa depensa ni WBA welterweight champion Lucas Matthysse kay Pacquiao at inaasahang magiging pukpukan ang laban sa loob ng 10 rounds.
“I’m thrilled and very excited to get back in the ring on Manny Pacquiao’s undercard,” sabi ng 25-anyos na si Kambosos sa Philboxing.com. “Manny and I have had some excellent training sessions for this camp and I can’t wait to fight in Kuala Lumpur. I know that Magboo has lost only once, but I’ll be well prepared after training with Manny to be victorious.”
May rekord si Kombosos na perpektong 14 na panalo. 8 sa pamamagitan ng knockouts samantalang si Magboo na natalo lamang kay Jhon Gemino sa kontrobersiyal na 12-round split decision para sa Philippine super bantamweight crown noong 2014 ay may kartadang 17-1-2 win-loss-draw na may 8 pagwawagi sa knockouts.
-GILBERT ESPEÑA