PINATAOB ng defending champion Pocari Sweat-Air Force ang Tacloban, 25-22, 26-17, 25-20, sa pagtatapos ng kanilang kampanya nitong Sabado ng gabi sa Premier Volleyball League 2 Reinforced Conference Quarterfinals sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Tinapos ng Lady Warriors ang single round quarterfinals na may barahang 4-1, panalo.

Kailangan pa nilang hintayin ang magiging resulta ng Banko Perlas (4-0) at Petro Gazz (3-1) sa Miyerkules para sa rankings sa quarterfinals.

Kung magwawagi ang Banko Perlas kontra Petro Gazz, tuluyan ng matatanggal sa kontensyon ang at uusad ang Pocari sa semis kasama ng Perlas Spikers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit kung ang, Angels ang mananalo sa loob ng tatlo hanggang apat na sets, sila ang papasok sa semis at paglalabanan ng BanKo at Pocari ang huling Final Four berth.

Pero kung umabot ng five sets ang panalo ng Angels, sila ang lalaban sa playoffs para sa huling semifinals slot at ang Perlas Spikers ang kokopo ng third spot.

Pinangunahan nina Arielle Love, Myla Pablo, at Maddie Palmer ang Lady Warriors sa iniskor nilang 16, 15, at 13 puntos ayon sa pagkakasunud-sunod habang si , Hyapha Amporn naman ang nag-iisang double-digit scorer para sa Tacloban sa itinala nitong 12 puntos.

Nauna rito, naitala ng Banko Perlas ang ika-4 na sunod nilang panalo matapos patalsikin ang Bali Pure-National University Water Defenders, 25-19, 22-25, 25-14, 25-19.

Nanguna sa panalo sina BanKo Perlas imports Kia Bright at Jutaphat Montripila na may 24 at 14, puntos ayon sa pagkakasunod.

-Marivic Awitan