Plano ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng asukal sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng nasabing produkto.

Idinahilan ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica ang mababang produksyon nito ngayong taon.

Unang nagpatupad ng taas-presyo sa raw sugar (brown) at umabot ito sa P54.15 kada kilo nitong Hunyo 19, mula sa dating P47 noong Setyembre 2017.

Umabot naman sa P64, mula sa P53, kada kilo ng refined sugar.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

Depensa ni Serafica, ang pag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa ay isa lamang sa mekanismo para bumaba ang presyo nito.

Bumaba ang local sugar production ng 15 porsiyento ngayong buwan, kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, tumaas ang demand ng raw at refined sugar ng 13.64 at 20.41%, ayon sa pagkakasunod.

Ito ay matapos patawan ng buwis na P12 per liter ang mga inumin na ginamitan ng high-fructose corn syrup, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

-Beth Camia