Inihayag ni United States Embassy in the Philippines Deputy Chief of Mission (DCM) Michael Klecheski ang panibagong P296.2 milyon ($5.55 million) na ayuda nito para sa humanitarian at recovery work sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ang karagdagang ayuda ay gagamitin para sa kababaihan kaugnay ng isasagawang rehabilitasyon sa Marawi, na winasak ng limang-buwang bakbakan ng militar at pulisya laban sa mga teroristang Maute-ISIS noong 2017.

Nabatid na ang nasabing ayuda ay ipadadala sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID), at may kabuuang mahigit P1.7 bilyon ($31.95 million) na ang kabuuang ayuda ng Amerika sa Marawi.

“Women have been disproportionately impacted by the conflict in Marawi, including by psychological trauma, reduced mobility, and diminished participation in civic activities. P136.1 million ($2.55 million) of this new assistance will respond to the needs of displaced persons, particularly women and girls, promote the leadership of women and girls in fostering peace building and alternatives to violent extremism, as well as integrate gender into recovery and rehabilitation work,” saad sa pahayag ng embahada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Bella Gamotea