INUNGUSAN ng Australian pop band na 5 Seconds of Summer sina Beyoncé at Jay-Z sa opening ng US album chart nitong Linggo, at dinaig ng grupo ang number one debut steak ng surprise album ng power couple.
Naungusan ng album ng 5 Seconds of Summer, ang Youngblood ang Everything Is Love nina Jay-Z and Beyonce, dahil sa patuloy na promotion ng grupo sa kanilang Australian fans, na i-stream ang kanilang kanta para manguna sa chart.
Bumenta ang Youngblood ng 142,000 copies na katumbas ng download at streams nitong nakaraang Linggo, kaya tinalo ang Everything Is Love na mayroong 123,000 copies, ayon sa tracking service na Nielsen Music.
Sumikat ang 5 Seconds of Summer, noong 2011 bilang YouTube sensations nang i-upload ng mga noon ay estudyante pa lamang sa Sydney ang kanilang cover ng mga popular na kanta.
Ang grupo ang unang Australian act na nanguna sa Billboard 200, ang benchmark US chart, nang may tatlong album.
Samantala, inilabas naman nina Jay-Z at Beyonce, dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa US pop culture, ang Everything Is Love nang wala man lang paabiso, nitong Hunyo 16, pagkatapos ng concert sa London.
Unang lumabas ang musical celebration ng kanilang marriage, ang Everything Is Love, sa Tidal, ang fledgling streaming service na pinamumunuan ni Jay-Z, ngunit lumaganap din pati sa kalabang Spotify nitong Hunyo 18 — ang ikaapat na araw ng counting period para sa latest weekly chart.
Ang Everything Is Love ang unang solo studio album ni Beyonce na hindi naging number sa pagre-release nito. At lahat naman ng studio albums ni Jay-Z ay laging number one mula pa noong 1998’s Vol. 2… Hard Knock Life.
Naging number one naman sina Beyoncé at Jay-Z sa kanilang last solo albums, ang Lemonade at 4:44, sa kabila ng kanilang pagtangging i-stream ang mga ito sa Spotify.
Number three sa latest US album chart ay ang ? ng kontrobersiyal na rapper na si XXXTentacion, makaraan itong mabaril at mapatay nitong Hunyo 18 sa edad na 20.
-Agence-Presse France