CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Ibinulagta ng riding-in-tandem ang isang negosyante, na board chairman din ng local media group sa probinsiya, sa Mabini Street, Barangay Mabini Extension dito, nitong Sabado.

Kinilala ni Superintendent Ponciano P. Zafra, city police chief, ang biktima na si Manuel Gabriel Lacsamana, 52, ng Sitio Mampulog, Bgy. Bitas. Siya ay aktibo ring tagasuporta ng community-based media organization na Central Luzon Media Association, Nueva Ecija chapter.

Dead on arrival si Lacsamana, na tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng panga, sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, ayon kay Zafra, na namuno sa imbestigasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Lacsamana ang kanyang Mitsubishi Strada pick up (NI-0836) nang pagbabarilin ng mga suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Narekober sa pinangyarihan ang siyam na basyo ng caliber .45.

Habang i s i n u s u l a t i t o , nakikipag-ugnayan si Zafra sa ilang establisyemento na maaaring nakahagip, gamit ang closed-circuit televisions (CCTV) cameras, ang nangyari.

-ARIEL P. AVENDAÑO