Nagbigay ng pahayag si volleyball national team member, Abigail Marano hinggil sa magiging kampanya ng bansa para sa nalalapit na Asian games na gagawin sa Palembang, Indonesia ngayong Agosto 19 hanggang Setyembre 2.
Ayon sa Philippine team member isang malaking responsibilada ang nakahatag para sa kanilang mga miyembro ng koponan gayung hindi umano biro ang training na kanilang pinagdadaanan para sa paglalaro sa nalalapit na Pilipinas Super Liga (PSL) at sa kanilang kampanya para sa Asiad.
“We are challenged playing for PSL and the National team,” pahayag ni Marano. “Pero para po sa amin, isang hakbang po ito para maiangat ang larong volleyball sa Pilipinas. So sana po intindihin po ninyo kami at bigyan ng suporta kasi ang gagawin po namin is hindi lang po para sa mga sarili namin kundi narin para sa bayan,’ ani Marano sa kanyang pagdalo sa isang press conference para sa pagbubukas ng PSL ngayong darating na Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Kabilang si Marano sa listahan na isinumite ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) na miyembro ng National team na isasabak para sa Asiad, kung saan kabilang dito sina, Allyssa Valdez, Frances Xinia Molina, Charlene Cruz-Behag, Aleona Denise Santiago-Manabat, Mary Joy Baron, Mika Aereen Reyes, Alyja Daphne Santiago, kim Kianna Dy, Kim fajardo, Julia Melissa Morado at Dawn Nicole Macandili.
Nagbigay naman ng suporta ang dating national team member na si Mary Jean Balse-Pabayo na ngayong ay mapapanood sa koponan ng Smart sa PSL, sa mga manlalarong sasabak sa quadrennial meet.
“Basta ako po personally ay naniniwala sa ating mga National Team memebrs na kaya nila ang laban na ito para sa Pilipinas,” pahayag ni Balse.
Samantala, nakatakdang magbukas ang Chooks-to-Go PSL ngayong Sabado kung saan ay kabilang sa mga maglalarong koponan ang National Team, bukod sa mga koponan na Foton, Smart, Generika Ayala, F2 Logistic, UP Maroons, UE Cherrylume, Sta. Lucia,Cocolife at Cignal.
-Annie Abad