GENERAL SANTOS CITY – Nagsampa ng kaso ang Philippine Drug Enforcement Agency laban sa apat na miyembro ng pamilya na nasamsaman ng 50 gramo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P350,000, sa drug bust operation dito nitong linggo.

Kinilala ni PDEA regional director Valente Carino ang mga suspek na sina Ahmed Tan Moraga, at tatlo niyang pamangkin na lalaki at isang babae na sina Saturnino Moraga Masinogot, Isagani Moraga Manza at Wendilyn Moraga, pawang nasa hustong gulang, na pinagdadakma sa Barangay Lagaos dito.

Sinasabing ang mga suspek ay miyembro ng isang big-time local drug group na nag-o-operate sa lungsod at sa mga kalapit na lugar.

"The arrested suspects were listed as high-value drug personalities," ani Carino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sasampahan ang mga suspek ng kaukulang kaso at kasalukuyang nakakulong sa PDEA regional office dito.

-Joseph Jubelag