NITONG Linggo, nag-post si Joe Jackson ng thoughtful reflection sa buhay habang nananatili sa ospital para sa gamutan ng kanyang terminal cancer, ayon sa Entertainment Tonight.

Joe

“I have seen more sunsets than I have left to see. The sun rises when the time comes and whether you like it or not the sun sets when the time comes,” post niya sa Twitter, kasama ang silhouetted photo ng kanyang sarili na nakatayo malapit sa dagat habang papalubog ang araw.

Ang post ay kasunod ng pagkakaospital ng 89 taong gulang na celebrity nitong Biyernes sa Las Vegas, dahil sa terminal cancer, ayon sa isang family source. Ibinunyag din ng source na matagal-tagal na ring nilalabanan ni Joe ang sakit, at sinabi ng mga doktor sa mga miyembro ng pamilya na limitado na lamang ang kanyang oras para mabuhay dahil walang lunas sa sakit.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ilang beses na ring naospital si Joe, kabilang ang usap-usapan ng umano’y kanyang pagkamatay makaraan siyang isugod sa Los Angeles hospital dahil sa mataas na lagnat habang nagsasagawa ng routine checkup sa kanya.

“The rumors of my death have been greatly exaggerated,” saad sa kanyang note na may titulong “I Am 100% Alive”. “Please ignore all the stupid false rumors from people who seem to find humor in such topics.”

Nagpahayag din ang kanyang anak, si Janet Jackson, ng kaparehas na reflective mood nitong Sabado sa 2018 Radio Disney Music Awards, kung saan siya binigyang-pugay kasabay ng kanyang pagtanggap ng Impact Award. Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang kanyang fans para sa parangal at sinabing ang kanyang ina, si Katherine Jackson, ama na si Joe, at mga kapatid – kabilang ang yumaong si Michael Jackson—ang dahilan kung ano man ang naabot niya ngayon.

“It’s beautiful, it’s humbling to be recognized as someone who’s had a positive impact, but if I have been fortunate enough to impact others it’s only because I, myself, have been greatly impacted by positive people in my life,” aniya. “My mother nourished me with the most extravagant love imaginable, my father, my incredible father, drove me to be the best I can.”

“My siblings set an incredibly high standard, a high bar for artistic excellence…Every day I am impacted by young people such as you who are demanding social change,” dagdag pa ni Janet. “Sometimes, having an impact can be a simple act, a smile, a handshake, or a hug...This means so much to me coming from all of you.”