WASHINGTON (Reuters) - Sinabi ni President Donald Trump nitong Linggo na ang mga taong ilegal na pumasok sa United States ay dapat na kaagad ipa-deport pabalik sa kanilang mga pinanggalingan nang walang anumang judicial process, inihalintulad sila sa mga mananakop na nagtatangkang makapasok sa bansa.

Ang kanyang panukala ay kaagad na binatikos ng legal analysts at immigrant rights advocates na nagsabing lalabagin nito ang due process provision ng U.S. Constitution.

Sa serye ng tweets nitong Linggo, sinabi ni Trump na: “We cannot allow all of these people to invade our Country. When somebody comes in, we must immediately, with no Judges or Court Cases, bring them back from where they came.”

“Cannot accept all of the people trying to break into our Country. Strong Borders, No Crime!”
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture