MAY patikim ng teaser ang 2018 Cinemalaya entry na Liway, na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro, sa direksiyon ni Kip Oebanda.

Glaiza copy

Trailer pa lang ay maganda na, at makukumbinse ka talagang panoorin ang pelikula kapag nagbukas na ang Cinemalaya.

Isa sa mga eksena sa teaser ay ang pagkanta ni Glaiza habang naggigitara ng Himig ng Pag-ibig, isa sa hit songs ng grupong Asin. Malungkot na nga ang kanta, mas pinalungkot pa ito sa hitsura ni Glaiza na may luhang patulo habang umaawit.

Jomari Yllana, natapos na sa master's degree; Abby Viduya, super proud sa mister

Matagal ding hindi gumawa ng pelikula si Glaiza, dahil nag-focus siya sa telebisyon. Inaasahan ng lahat na uhaw siyang umarte sa pelikula, kaya umasa tayong isang mahusay na acting ang mapapanood sa kanya sa Liway.

Kapareho niyang mahuhusay na aktor ang kasama niya sa Liway, gaya nina Soliman Cruz at Dominic Roco. Hindi pa namin alam kung sinu-sino ang iba pang cast ng Liway, ng isa sa mga aabangan sa 2018 Cinemalaya.

Dahil patuloy pang umeere ang Afternoon Prime ng GMA-7 na Contessa, na pinagbibidahan din ni Glaiza, nai-imagine namin ang effort niya at ng Contessa team para ayusin ang schedule ng aktres.

Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng nasabing soap at matagal pang mapapanood si Glaiza bilang si Contessa.

-Nitz Miralles