Nasugatan ang limang tao nang tangkaing lumikas mula sa sunog na sumiklab sa Roxas Night Market sa Davao City, nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, mula kay Davao City Police Office (DCPO) spokesperson Senior Insp. Ma. Teresita Gaspan, nagsimula ang sunog bandang 8:30 ng gabi sa isang stall ng Pab’s Takoyaki, na pagmamay-ari ni Elizabeth Arenas Suazo, sa Roxas Night Market.

Ayon kay Gaspan, nagkagulo at nagsitakbuhan ang mga kustomer ng Pab’s at mga kalapit nitong stall, kaya may mga nasugatan.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Briana Mae Saavedra, 25; Akira Alcantara, 17; Nikko Rola, 13; Jeamae Bernardo, 18; at Kecy Julia Alcantara, 17, na kaagad namang binigyan ng paunang lunas ng Philippine Red Cross.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inaasikaso umano ni Catherine Timbal Suazo, anak ng may-ari, ang mga kustomer nang lumuwag ang hose ng LPG hanggang lumiyab ang tangke.

PNA