Standings                   W L

Go for Gold                    4  0

Che’Lu                             3  1

Marinerong Pilipino    2  2

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

CEU                                 2  2

Batangas                         1  3

AMA                                0  4

Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

1 p.m. – AMA vs Batangas

3 p.m. – Marinerong Pilipino vs CEU

Solong ikatlong puwesto ang pag-aagawan ngayong hapon ng Marinerong Pilipino at Centro Escolar University sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro ng PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Magtutunggali ang Skippers at ang Scorpions ganap na 3:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng AMA Online Education at ng Batangas ganap na 1:00 ng hapon.

Kasalukuyang magkasalo sa ikatlong posisyon ang Skippers at Scorpions kasunod ng namumunong Go for Gold (4-0) at pumapangalawang Chelu Bar and Grill (3-1) taglay ang patas na barahang 2-2.

Magkataliwas naman ng kapalaran ang dalawang koponan sa nakaraan nilang laban dahil galing sa panalo ang CEU kontra AMA noong Hunyo 18 sa iskor na 96-85 habang bigo naman ang Marinero sa Go for Gold noong nakaraang Huwebes sa iskor na 88-93.

Sa pagkakataong ito, nais ni CEU interim coach Derrick Pumaren na makikita na nya ang hinahanap na consistency sa Scorpions partikular sa kanilang depensa matapos madismaya sa pagri-relax ng kanyang team kontra AMA.

“We’re still not happy. We got to play consistent basketball especially defensive-wise,” wika ni Pumaren. “We have to play defense the whole game. The attitude should change, when we’re leading, we relax and I’m not happy with that.”

Gaya ng kanilang katunggali, consistency rin ang hinahanap ni coach Koy Banal sa kanyang Skippers na bumaligtad ang laro kontra Scratchers kasunod ng 42-puntos na paggapin nila sa Batangas.

Mauuna rito, target ng Titans ang napakailap na unang panalo sa pagsagupa nila sa Batangas na sisikapin namang makabangon sa nalasap na tatlong sunod na pagkatalo makaraang magwagi sa una nilang laro.