TINIYAK ni Manny Pacquiao Promotions business head Arnold Vegafria na tuloy ang nakatakdang laban para sa WBA title ng kampeong si Lucas Matthysse ng argentina at eight-division world titlist Manny Pacquiao sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Everything is being arranged and on schedule for the July 15 Fight of Champions between Manny Pacquiao and Lucas Matthysse in Kuala Lumpur Malaysia,” sabi ni Vegafria sa Philboxing.com.

Sinabi naman ng isang insider sa kampo ni Pacquiao na “bitterness” ang dahilan ni Top Rank big boss Bob Arum kaya tinatangka pa ring isabotahe ang laban nina Pacquiao at Matthysse.

Si Arum din ang sinisi ng source kaya hindi natuloy ang laban ni Pacquiao kay dating world champion Amir Khan sa Dubai at masama ang loob nito sa promosyon sa sarili ni Pacquiao.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Lumabas ang tsismis na makakansela ang laban nang isulat ni ESPN senior boxing writer Dan Rafael na nabigo ang MP Promotions na bayaran si Matthysse ng $2 milyon sa escrow account nito kaya nanganganib ang kampeonato.

Ayon sa ESPN, “MP Promotions has only made a payment of $500,000 to Matthysse and his promoter Golden Boy and still owes them $2 million more for the title fight.”

Ngunit pinabulaanan mismo ito ni Pacquiao sa Philboxing.com at nagpasalamat kay Oscar Dela Hoya sa pag-unawa sa sitwasyon niya bilang bagitong promoter.

Dati ring boksingero ni Arum si Dela Hoya na kumalas sa Top Rank at nag-promote ng sariling mga laban. Ang kasuwapangan rin ni Arum ang dahilan kaya kumalas si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. na itinaguyod din ang sarili bilang boksingero.

Ipinahiwatig ni Rafael na interesado si Arum na i-promote si Matthyse laban kay bagong WBO welterweight titlist Terence Crawford na umagaw sa korona ni Aussie Jeff Horn.

“I don’t know what’s going to happen with the fight, but if it doesn’t happen, I would hope to talk to Golden Boy about having Matthysse fight Crawford,” sabi ni Arum sa ESPN.

Idinagdag ni Vegafria na kapwa matindi ang pagsasanay nina Pacquiao and Matthysse para sa nakatakdang laban.

“Both Pacquiao and Matthysse are training hard in their respective camps to give the fans that will be viewing the fight all over the world an action-packed, competitive battle,” ani Vegafria.

-Gilbert Espeña