Ibinahagi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang patuloy na pagbibigay ng libreng short courses ng Las Piñas City Manpower and Training Center para sa mga out of school youth at mga indibiduwal na walang trabaho, upang maibigay sa mga residente ang mas magandang oportunidad.

Sa ikalawang bahagi ng taon, mula Abril hanggang Hunyo 2018, nasa 482 residente ng lungsod ang nakatakdang magtapos mula sa iba’t ibang vocational at technical courses mula sa Las Piñas City Manpower and Training Center.

Nagkakaloob ang Manpower Training Center ng libreng pagsasanay para sa English proficiency, automotive servicing, commercial cooking, consumer electronics, food at beverages services, hairdressing, massage therapy, personal computer operations, refrigeration at aircon servicing, shielded metal arc welding, industrial electricity, cellphone repair, housekeeping, travel services, at motor cycle/small engine servicing.

Taun-taon, umaabot sa 5,000 out of school youth at mga walang trabaho ang nakikinabang sa libreng pagsasanay. Kinilala rin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang training center bilang isa sa Most Outstanding Skills Training Centers sa bansa.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists