“KAYO pa rin ba ng boyfriend mo? Kailan kayo maghihiwalay?”
Ito ang pabirong tanong ni Jerald Napoles sa leading lady niyang si Valeen Montenegro sa pelikulang The Write Moment, na mapapanood na sa Wednesday, Hunyo 27.
Natatawa naman si Valeen kay Jerald, at binanggit namin na nine years nang karelasyon ng aktres ang Fil-Spanish na si Selu Lozano.
Natawa kami sa biro ni Jerald kay Valeen: “Plano mo pa bang paabutin ng 10 years?”
Sa The Write Moment ay magdyowa sina Valeen at Jerald, kaya binibiro ang aktor na ang suwerte niya dahil ang ganda ng partner niya.
“Kaya nga abangan nila kung paano nagkagusto sa akin ang ganyan kaganda, at relatable ‘yun,” nakatawang kuwento ng aktor, na umaming sobrang challenge sa kanya ang karakter niya sa pelikula.
“Kasi kailangang mapaniwala ko ang tao na napasagot ko siya (Valeen). Ha, ha, ha. Kasi sa umpisa pa lang established na kami na, kaya ang susunod ay ang mga tanong na ‘paano nangyari?’ Then naghiwalay kami, so ang tanong ulit, ‘bakit sila naghiwalay, e, okay naman sila as couple?’”
Aminado si Jerald na swak sa kanya ang karakter niya dahil nagkaroon pala siya ng tisay na girlfriend dati, kaya naman nakaka-relate siya.
“Very much ako ‘to at ‘yung karakter ko rito, paano ko maibabalik ang relasyon naming? Nasa ganu’n din ang nangyari sa akin. Kaya relate na relate ako,”natawang kuwento ni Jerald, idinugtong na matagal na silang hiwalay ng kanyang ex.
Makaka-relate ba ang millennials sa kuwento ng pelikula?
“Oo, ang dami kasing ups and downs. 100% na tunay na nangyayari sa kanila, Im sure may mapupulot pa rin silang aral,”sabi ni Valeen.
“Lesson is you can’t control what’s gonna happen. If the person needs to go, she or he needs to leave. Ang millennials makaka-relate sa linyang, ‘Anong nangyari? Wala, ganu’n talaga, eh. Hindi na talaga nagwo-work’,” singit naman ni Jerald.
“Most of the films kasi kaya naghihiwalay may third party. Pero dito wala. Nawala na ‘yung love, wala nang spark,” kuwento ni Valeen.
Anong payo o tips ang puwedeng sabihin nina Jerald o Valeen sa mga brokenhearted, na kadalasan ay may mga ginagawang hindi maganda sa sarili nila.
“Kung nag-break kayo, ipaliwanag mabuti. Kung bine-break ka, intindihin mo mabuti,” say ni Jerald. “Tapos kung makakatulong na hindi kayo mag-usap, gawin mo everything that will help you. Tulad ng pagkain ng ice cream at bagoong. Ang sarap no’n guys.”
Payo naman ni Valeen: “Tama ‘yung sinabi ni Je, kasi time heals. Kasi ‘yung time na nag-break kayo, marami pang pag-uusapan, mataas pa pareho ang emotions. So try to figure it out with yourself. Maybe in time or the right moment will come na mapag-uusapan ninyo as adults na less na ‘yung feelings. May kirot pa pero do yourself a favor, i-save ninyo ang friendship. Help yourself, love yourself.”
May bed scene raw sina Jerald at Valeen sa pelikula, na wala naman silang naghing ilangan, kasi nga matagal na silang magkakilala at magkaibigan. Magkasama rin sila sa programang Sunday Pinasaya ng GMA 7.
“Pero may kaba, sobrang kinabahan ako talaga,” pag-amin ni Jerald. “Kasi ‘pag pogi lumagpas sa boundary sa love scene okay lang, ‘pag hindi kasi pogi, puwedeng kasuhan. ‘Yun kasi ang akin kaya kinakabahan ako, baka sabihin, ‘uy taking advantage Je, ah?’ Kaya kailangan tender with juicy hotdog,”tumawang sabi ng aktor.
“Comfortable naman ako sa kanya kasi mura na, magaling pa. Ha, ha, ha. Sabi ko nga reading pa lang, gusto ko na si Je (as partner), kasi swak kami pareho kaya I trusted him na,” sabi naman ni Valeen.
Ang The Write Moment ay mula sa direksiyon ni Dominic Lim, produced ng IdeaFirst Company, CNB Films at Viva Films.
-REGGEE BONOAN