MCALLEN, Texas (Reuters, AP) – Bumisita nitong Huwebes si First Lady Melania Trump sa isang shelter sa Texas para sa mga batang inihiwalay sa kanilang mga magulang na ilegal na tumawid sa United States. Nunit sa halip na ang kanyang layunin ang maibalita, mas napansin at binatikos ng marami ang mga katagang nakasulat sa likuran ng kanyang jacket na: “I really don’t care, do u?”

Si U.S. First Lady Melania Trump, sa Joint Base Andrews, Maryland, U.S., nitong Huwebes. (AP)

Si U.S. First Lady Melania Trump, sa Joint Base Andrews, Maryland, U.S., nitong Huwebes. (AP)

Sa mga lumabas na litrato, nakasuot si Melania Trump ng hooded green khaki jacket na dinisenyo ng fashion chain na Zara habang pasakay sa eroplano mula sa Andrews Air Force Base patungo sa border facility sa McAllen, Texas. Muli niya itong isinuot nang pababa sa eroplano sa pagbalik niya sa Washington D.C. kinagabihan.

“It’s a jacket. There was no hidden message. After today’s important visit to Texas, I hope the media isn’t going to choose to focus on her wardrobe,” diin ni Stephanie Grisham, spokeswoman ng first lady, sa tweet na may kasamang hashtags #SheCares at #ItsJustAJacket.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dinepensahan ang napiling jacket ng kanyang misis, sinisi ni US President Donald Trump ang media, nag-tweet na: “I REALLY DON’T CARE, DO U?” written on the back of Melania’s jacket, refers to the Fake News Media. Melania has learned how dishonest they are, and she truly no longer cares!”

HOW CAN I HELP?

Nakipagpulong si Melania Trump sa staff sa McAllen kung saan mahigit 50 bata na nasa edad 12 hanggang 17 ang nanunuluyan.

‘’I’m glad I’m here and I’m looking forward to seeing the children,’’ sinabi ni Melania sa roundtable discussion sa Upbring New Hope Children’s Center kasama si Health and Human Services Secretary Alex Azar, social workers at government officials.

‘’I would also like to ask you how I can help these children to reunite with their families as quickly as possible.’’

Tumagal lamang ng isang oras ang pagbisita ni Melania sa Texas dahil sa malakas na ulan at flash flood. Muli niyang isinuot ang jacket at sumakay sa eroplano pabalik sa Andrews Air Force Base malapit sa Washington.

Sa kanyang written statement matapos bumalik sa White House, sinabi ng first lady na ang pagbisita “[had] impacted me greatly.” Nanawagan siya sa Congress na magkaisa sa pagbalangkas ng immigration legislation na pakikinabangan ng mga bata.

“Spending time with them reinforces the fact that these kids are in this situation as a direct result of adult actions,” ani Melania Trump. “It is my hope that Members of Congress will finally reach across the aisle and work together to solve this problem with common sense immigration reform that secures our borders and keeps families together.”