Mahigpit na sinusubaybayan ng gobyerno ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mga autopsy sa mga bangkay ng dalawang Filipino household service workers na umano’y nagpakamatay sa Lebanon at Saudi Arabia nitong nakaraang linggo.

Nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Beirut at Riyadh para sa autopsy procedures sa mga awtoridad ng dalawang bansa para matiyak na walang foul play sa pagkamatay ng dalawang overseas Filipino workers, ipinahayag ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes ng gabi.

Noong Hunyo 11, isang 35-anyos na Pinoy HSW mula sa lalawigan ng Cagayan ang namatay matapos maiulat na tumalon mula sa ikaanim na palapag ng isang apartment sa Lebanese capital, ayon sa PH Embassy sa Beirut. Napag-alaman na dumating siya sa Lebanon nito lamang Oktubre.

Sa ulat sa DFA, sinabi ni Ambassador Bernardita Catalla na humiling na sila na isagawa ang autopsy kahapon, Hunyo 22, ng isang court-appointed forensic doctor sa St. George Hospital.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Samantala, isang 40-anyos na ina ng dalawang anak mula sa Agusan del Sur ang umano’y nagbigti sa bahay ng kanyang amo sa Al Hasa, sa labas ng Riyadh.

Sinabi ni Ambassador Adnan Alonto na magsasagawa ang Saudi authorities ng autopsy sa susunod na linggo sa mga labi ng OFW na tatlong taon nang nagtatrabaho sa kanyang employer.

-ROY C. MABASA