MULING iginiit ng Deparment of Education (DepEd) ang ‘zero tolerance’ para sa lahat ng kaso ng child abuse, karahasan, eksploytasyon, diskriminasyon, bullying at iba pang uri ng pang-aabuso.

Sa pahayag na inilabas nitong Huwebes, ipinagdiinan ng DepEd ang pagsisikap ng ahensiya na isulong ang isang child-friendly, gender-sensitive, at motivating environment para sa lahat ng mag-aaral.

Ito ay bahagi ng tugon ng ahensiya mula sa panawagan ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara tungkol sa mga nagaganap na bullying sa mga paaralan.

Ayon s a a h e n s i y a , mayroong Child Protection Policy na mandato sa ilalim ng DepEd Order no. 40 serye 2012, para sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na nagtatakda ng paglikha ng Child Protection Committee sa bawat paaralan upang masiguro na mababantayan a t magpapatuloy ang imbestigasyon ng bawat kaso ng pang-aabuso.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Ba s e s a p a h a y a g , s a p a m a m a g i t a n n g implementasyon ng nasabing polisiya, nagresulta ito ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng pang-aabuso; mula sa 29,723 noong school year 2015-2016, ay nasa 19,672 na lamang nitong S.Y. 2016- 2017.

Bilang tugon naman sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, nagsanay ang ahensiya ng mga Child Protection Specialists na magkakaloob ng technical guidance sa mga paaralan para sa mga mabibigat at seryosong kaso ng pang-aabuso.

Ito ay mandato ng DepEd Anti-Bullying Policy, na inilabas sa pamamagitan ng DepEd Order No. 55 series of 2013.

“DepEd has time and again called for teachers and officials alike to instill among learners the value of respect for each other’s rights regardless of their opinion, status, gender, ethnicity, religion, as well as moral and physical integrity,” base sa pahayag.

Dagdag pa dito, patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng ahensiya sa pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral, magulang, guro, komunidad, lokal na pamahalaan at iba pang sektor para sa proteksiyon ng mga bata.

PNA