Anim na sundalo, kabilang ang isang Army 2nd Lt., ang sugatan matapos masabugan ng landmine sa Magpet, Cotabato, nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ng militar ang mga biktima na sina 2nd Lt. Rustine Barco, Cpl. Ronie Gutierez, Cpl. Roldan Parcon, Cpl. Shanon Obaldo, Pvt. Rolando Bublao, at Pvt. Dennis Andol.
Agad silang isinugod sa ospital upang lapatan ng lunas. Sa imbestigasyon, pabalik na ang medical team, ng Integrated Provincial Health Office ng Provincial Government of Cotabato, mula sa kanilang Medical and Dental Mission Program sa Barangay Binay, Magpet, Cotabato, nang pagsabugin ng mga New People’s Army ang landmine, bandang 1:30 ng hapon.
Ang mga sugatang 19th Infantry Battalion ay parte ng Medical and Dental Mission Program, partikular na sa “Operatiion Tuli”.
Kinondena ng militar at ng Provincial Government of Cotabato ang pag-atake sa medical team na nais lamang maglingkod sa mga nangangailangan.
-Francis T. Wakefield at Fer Taboy