BAGUIO CITY – Maaaring madiskuwalipika ang 55 barangay officials na nanalo sa nagdaang eleksiyon dahil sa pagkabigong maghain ng kani-kanilang Statements of Contributions and Expenses (SOCE) na dapat ay ipapasa sa loob ng 30 araw matapos ang eleksiyon noong Mayo 14.

Ayon sa Commission on Elections- Baguio, kabilang sa maaaring madiskuwalipika ang isang kapitan; 11 kagawad; tatlong SK chairman; at 40 SK kagawad.

Nasa 2,545 na naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) para sa 128 barangay sa lungsod. Nasa 2,129 na ang naghain ng COC para sa kapitan at kagawad, habang 416 para sa Sangguniang Kabataan.

Sa kabuuang bilang ng mga kandidato para sa kapitan at kagawad, tanging 1,785 ang naghain ng kanilang SOCE o 83.84 porsiyento habang mayroon lamang 302 sa SK o 72.6% ang naghain ng kanilang SOCE.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Baguio-Comelec Election Officer Atty. John Paul Martin, ipapadala nila sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga pangalan na nanalo sa eleksiyon ngunit hindi nakapag-comply sa nakasaad sa Section 14 ng Republic Act 7166, na pagsusumite ng SOCE.

-RIZALDY COMANDA