Upang maibsan ang trapik, magpapatupad ng one-lane truck policy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Circumferential-2 (C2) Road.

Paliwanag ni MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, layunin nitong mabawasan ang mga sakunang kinasasangkutan ng mga truck sa naturang kalsada.

Papayagan lamang, aniya, bumagtas ang mga truck sa C2 Road kung isang lane lang ang gagamitin mula sa Andalucia hanggang sa Nagtahan Road, at pabalik sa Maynila.

“This is aimed at preventing accidents and address heavy traffic caused by trucks along the thoroughfare,” aniya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Aabot na sa 155 damage to property at walong injuries ang naitala sa aksidenteng kinasasangkutan ng truck at trailer sa C2 Road, base sa 2017 statistical report ng Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMARAS).

Sa ilalim ng polisiya, ang cargo trucks na may gross weight ng higit 4,500 kilo ay pahihintulutang gumamit ng 3rd lane ng C2 Road mula sa sidewalk, maliban sa Nagtahan na nasa 2nd lane mula sa center island.

-Bella Gamotea