Sa ginanap na pocket presscon ni Jodi Sta. Maria sa set ng Sana Dalawa Ang Puso sa Tagpuan Alpadi Estate, Antipolo City nitong Miyerkules, inamin ng aktres na ngayong teenager na ang nag-iisang anak na si Thirdy Lacson ay may challenges na sila dahil nga pareho silang busy.

Jodi

Aniya, “ang challenges namin ni Thirdy now is time because of my work load and siya (Thirdy) naman regular student and at the same time, he’s an athlete. After ng school may training sila sa basketball.

“Sometimes pag-uuwi siya pagod na o sometimes wala ako sa bahay, so ‘yong challenge is to make our schedules meet but as much as possible I really try to keep our communication lines open so that I know what is going on in his life and kahit na wala ako sa bahay, involved pa rin ako sa mga nangyayari sa kanya. But I’m very grateful to the Lord that he has blessed me with such a good kid not because I’m his mother but because that’s the truth na sobrang bait na talaga ni Thirdy.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa tanong kung handa na si Jodi na magkaroon ng girlfriend o puppy love ang anak.

Nagkunwaring naiyak ang aktres sabay sabing, “paano ba, basta ang usapan namin ni Thirdy, ‘anak the only time na magi-girlfriend ka is kapag may trabaho ka na, ha. So, kailangan mag-work muna siya ‘no?”

At bilang travel buddy ang mag-ina, “masarap siyempre kasi alam mo ‘yon we get to journey this life together, to experience so many things together. We get to experience different cultures and different countries together and as a mom, importante sa akin ‘yun na nagde-deposit ako sa memory bank ng anak ko na eventually pag tumanda siya mayroon siyang babalikan na good memories naming mag-ina,” magandang paliwanag ni Jodi.

Maraming bansa na ang napuntahan ng mag-inang Jodi at Thirdy kaya natanong sila kung anu-ano pa ang nasa bucket list nila.

“Napakarami pa kasi ang dami naming gustong puntahan pa. Actually, part ng bucket list namin ay makumpleto namin ‘yong Wonders of the World. ‘Di ba may seven Wonders of the World, seven Wonders of Ancient World so ‘yon ‘yong mga gusto naming mapuntahan at ma-experience namin together,” kuwento ng aktres.

Nabanggit din niya na mas type ng bagets puntahan ang mga museum sa iba’t ibang bansa at alamin ang history nito kaysa sa mga amusement o theme park.

Samantala, tinanong namin si Jodi kung ano ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ngayon dahil sobra siyang abala sa mga ginagawa niya dahil bukod sa artista siya ay nag-aaral din siya tulad ng anak, bukod pa rito, may foundation siyang tinutulungan at nagsimula na siya ng kanyang IG live stories tuwing Martes.

“It really depends on what your treasure is, some of us we treasure family, some of us we treasure our work, we treasure relationship regardless kung what kind, some of us we treasure careers or money and some of us we treasure studies also. For me, it has to be a balance of everything,” pahayag ni Jodi.

Sundot na tanong kung na-achieve na ng aktres ang mga ito, “well I am studying, I am working.”

Kumusta na ngayon si Jodi, “I’m very good, I’m busy with a lot of things like with work, with school, and I’ll be starting my IG live stories every Tuesday please watch it 6:30PM. We tackle different topics.”

Tinanong kaagad namin kung may tungkol sa love, “we haven’t tackled that yet but we have tackled mental health and now we are doing left over meals, mga nagtitipid na mommies so that’s what we do. Mga leftover kinagabihan kung anong puwedeng gawin the following day.

“Kung tungkol sa love ang ita-tackle namin, it depends also on what they like because before I bring out a content, I ask them (audience) what do you want to talk about, so kung ano ‘yung pinakamarami sa consensus, then ‘yun ang pag-uusapan,” paliwanag ni Mona o Lisa (karakter ni Jodi sa Sana Dalawa Ang Puso).

Tanong naman namin, paano kung tungkol sa break-up o paano magtagal ang relasyon ang gustong pag-usapan ng audience? Sagot niya, “if you’re going to ask about how a relationship last then, I’ve say there has to be commitment and that loving is a choice. Parang love is not based on just emotion alone. So, I think that would be a good starter,” dugtong na paliwanag ng aktres.

Anyway, ang inaabangang episode ngayon sa Sana Dalawa Ang Puso ay ang journey naman nina Mona at Martin (Richard Yap) at ang pagbabago kina Lisa at Leo Tabayoyong (Robin Padilla) bilang mga bagong kasal.

“How will she (Lisa) relate to the three sisters of Leo kasi may isang kapatid si Leo na medyo nabigla sa pagpapakasal nila, si Tinay (Miles Ocampo). ‘Yon ang journey ni Lisa.

“Isa pang dapat abangan din is ‘yung paghaharap nilang apat (Lisa/Leo at Mona/Martin). Kung ano ‘yong mangyayari, kasi now may rift pa rin sina Lisa and Martin,” kuwento ng aktres.

Samantala, may sitsit sa amin na hanggang 2019 pa ang Sana Dalawa Ang Puso dahil magkakaroon pa ng mga tsikiting sina Lisa at Leo sa kuwento.

Ang dami kasing sumusubaybay sa pang-umagang seryeng ito nina Jodi, Richard at Robin kaya hindi na kataka-takang ma-extend ito at matulad sa Be Careful with my Heart na umabot sa 2 years.

Wish naman ni Jodi na nagdiwang ng kaarawan nitong Hunyo 16, “for myself kasi if I ask for more from God parang maybe it’s too much already because he has blessed me with so many good things.

“Siguro right now of what I’m praying for grace na every single day na nabubuhay ako and actually ‘yong prayer ko is for my family and for the foundation na sinusuportahan ko. And to ask prayer from you guys na ipag-pray din sila na kung anuman ‘yong sickness na mayroon sila na that they will be healed eventually and for their parents and for their primary caregivers too to have strength also.”

-Regee Bonoan