GINAPI ni Al-Basher Buto ng Team Philippines si top seed Pham Viet Thien Phuoc ng Vietnam para makamit ang solong pangunguna sa Open Under-8 division, habang nagpakatatag sina International Master Paulo Bersamina at Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza sa Premier U20 class nitong Miyerkules sa ASEAN+ Age Group Championships sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Walang gurlis ang 7-anyos na si Buto, kampeon sa rapid at blitz event ng under-7 13th Asian Schools Chess Championship sa Panjin, China, kamakailan, matapos ag apat na round. Nauna niyang naungusan sina Vietnamese Ho Dang Nhat Min h at Nguyen Manh Duc, kababayang si Ruslan Pamplona at si Pham, nagtataglay ng pinakamataas na rating sa kanilang dibisyon na 1420.

Kumpiyansa si Buto, natuto ng chess sa pakikisalamuha sa mga vendor sa Quiapo, sa laban kontra Vietnam bet Nguyen Vuong Tung Lam para mapatatag ang kampanya sa prestihiyosong torneo.

Hindi naman nagpahuli ang 19-anyos na si Mendoza, nagwagi sa kapwa Pinay na si Ella Grace Moulic para sa ikaapat na puntos at makaabante sa karibal na sina Moulic at WFM Dita Karenza ng Indonesia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Target ni Mendoza na masungkit ang titulo sa torneo na inorganisa ng Chess Events International, at sanctioned ng NCFP, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at Davao City Mayor Inday Sara Duterte, bago ang kanyang pagsalang sa training camp ng Philippine Team na maghahanda para sa pagsabak sa World Chess Olympiad sa September sa Batumi, Georgia.

Nagwagi si Bersamina kay FM Agni Jeevitesh Sai ng India para manatili sa ibbaw kasama si FM Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia, nagwagi kay Filipino Rhenzi Kyle Sevillano, taglay ang 3.5 puntos.

Naghati naman sa puntos sina Dale Bernardo at Istraelito Rilloraza para magsosyo sa three-way logjam kasama si local bet Carl Zirex Sato, nagwagi kay Vietnam’s Nguyen Tien Anh, taglay ang 3.5 puntos sa Open U18.