INAMIN ni Chairperson at Pageant Director ng Miss Metro Manila 2018 na si Ms. Jackie Ejercito na kumaunti ang nakuha nilang sponsors para sa beauty pageant at mahirap mag-organize ng ganitong paligsahan.

“Hindi ko alam, pero ‘yong mga sponsors, parang pakaunti na lang,” saad ng anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.
Full-support naman si President Mayor sa beauty contest na ito dahil ang proceeds ay mapupunta sa MARE Foundation na itinatag ni Senator Loi Ejercito, na tumutulong sa mga kababaihan na resolbahin ang kanilang mga problema at matugunan pati ang kanilang mga pangangailangan.
Si Ms. Jackie ang kasalukuyang namumuno sa foundation kaya hindi siya interesadong pasukin ang pulitika tulad ng magulang at kuya niyang si Jinggoy Estrada.
“To me kasi I don’t have to run para makatulong, mas gusto ko sa background lang. But I know the highest form of charity is to be a politician pero si dad (Mayor Erap) lang ang puwedeng magsabi sa akin no’n kung gusto niya akong patakbuhin.
“Sobra akong obedient na anak kaya kung anong sabihin ng dad ko, doon ako. Pero kung ako lang, ayoko kasi malilit pa ‘yong mga anak ko, ha, ha,”paliwanag ni Ms. Jackie.
Samantala, laking gulat ni Chairperson Jackie na wala nang swimsuit competition sa ginanap na Miss Makati at pati sa Miss World ay wala na rin.
“Wala na? Oh no! Ang first nga dati ginawa ko one-piece ngayon nga ginawa ko two-piece. Talaga? Bakit tinanggal, hindi ko alam! Ano gagawin ko? May sponsors na kasi, so hindi puwedeng wala.
“Ginawa ko pa namang two-piece kasi daddy ko sabi niya gawin kong two-piece, ha, ha, ha. Oh no!, ”gulat na kuwento ni Ms. Jackie.
“I think there’s nothing wrong naman. During the Miss Universe naman lagi namang may swimsuit, feeling ko talaga there’s nothing wrong. Sobrang conservative naman. Bakit ba nila tinanggal? Hindi ko alam talaga kung bakit,” nagtatakang sabi pa nito.
Parang nakikinita na namin na hindi rin talaga papayag si Mayor Erap na mawala ang swimsuit competition dahil ito ang panghatak sa mga sponsor at mga manonood bukod pa sa kasama rin sa criteria ang pagsusuot ng two-piece.
Mukhang paborito ni Mayor si Candidate 11 dahil siya lang ang bukod tanging tinanong kung may experience na itong ma-in-love.
Kaagad namang sinagot ito ng dalaga, “I recently broke-up with my boyfriend.” Kaya hiyawan to the max ang lahat ng nasa launching ng Miss Manila 2018 na ginanap sa Manila City Hall nitong Miyerkules.
Si candidate 11 ay kahawig ni Miss Laarni Enriquez noong kabataan niya.
Anyway, ang 32 kandidata sa Miss Manila 2018 ay sina Esel Mae Pabilaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo.
Kandidata rin sina Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta. Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Colowo, Beatriz Canary Tolentino, at Lean Dominique Lalu.
Ang tatanghaling Miss Manila 2018 ay tatanggap ng prize package na aabot sa P1 million (P 500,000 cash plus Viva Management contract worth P500,000). Ang first runner-up naman ay makakakuha ng P 350,000 cash, P250,000 sa second runner-up, P150,000 sa third runner-up, at P100,000 sa fourth runner-up.
Ang Miss Manila 2018 ay handog ng The City of Manila, MARE Foundation at Viva Live.
-Regee Bonoan