Binabantayan ng mga tauhan ng National Capital Region (NCR)- Maritime Police ang Manila Bay at ang karagatang sakop ng Navotas laban sa illegal fishing.

Ayon kay Sr. Supt. Baltazar Rivera, head ng NCR-Maritime, 24 oras silang nag-iikot, sakay sa patrol boat, sa karagatang ng Cavit e , Manila Bay at Navotas, upang matiyak na hindi makapoporma ang mga ilegal na mangingisda.

Alinsunod umano ito sa mandato ng Department of Justice (DoJ) na pangalagaan ang mga yamang-dagat at hindi masalaula ng mga mangingisdang gumagamit ng dinamita.

Bukod dito, binabantayan din ng pulisya ang ilegal na transaksiyon sa karagatan, lalo na sa ilegal na droga, smuggling at ang pagtatapon ng basura.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Araw at gabi may mag-iikot na patrol boat sa mga nasabing dagat ng sa ganoong paraan ma-prevent natin yung mga iligal transaction sa karagatan at malaking tulong din kami sa mga coast guard,” ayon pa sa kanya.

-Orly L. Barcala