SEOUL (AFP) – Nagdaos kahapon ang North at South Korea ng mga pag-uusap para sa muling pagdadaos ng mga reunion ng mga pamilyang pinaghiwalay ng 1950-53 Korean War, ang huling hakbang sa pagbuti ng relasyon sa peninsula.

Milyun-milyong katao ang nagkahiwalay sa panahon ng digmaan na sinelyuhan ang paghahati ng dalawang Korea halos 70 taon na ang nakalipas. Karamihan ay pumanaw nang hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makabalita o makita ang kanilang mga kamag-anak na nasa kabila ng border, dahil ipinagbabawal ng North ang lahat ng civilian communication.

‘’Let’s make the meeting a success by conducting it from a humanitarian perspective,’’ sinabi ni South chief delegate Park Kyung-seo, sa pagsisimula ng mga talakayan sa scenic Mount Kumgang resort ng North Korea.

Sumagot si Pak Yong Il, Pyongyang chief delegate, na: ‘’The fact that the North and South are holding the first Red Cross talks in our famous Mount Kumgang is meaningful in itself.’’
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'