WASHINGTON (AFP) – Nilagdaan ni US President Donald Trump nitong Miyerkules ang executive order na nagpapatigil sa kontrobersiyal na polisiyang pinaghihiwalay ang migrant families sa border, na kinondena ng mundo.
‘’What we have done today is we are keeping families together,’’ ani Trump nang lagdaan ang executive order. ‘’I didn’t like the sight or the feeling of families being separated.’’
Binawi ang “zero tolerance’’ policy sa immigration makaraang mahigit 2,300 bata ang inihiwalay sa kanilang mga magulang at matatandang kasamahan matapos ilegal na tumawid sa US-Mexico border simula Mayo 5 at inilagay sa tent camps at iba pang mga pasilidad, na walang komunikasyon sa kanilang mga kamag-anak.
Sa kabila ng kautusan, wala pang plano na pagtagpuin ang libu-libong bata at mga nakahiwalay nilang kapamilya, ayon sa ulat ng US media, binanggit ang mga opisyal ng Health and Human Services Department.
Mananatili ang mga bata sa ilalim ng federal custody habang isinsagawa ang immigration proceedings, ayon sa The New York Times.