Pursigido ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa itinutulak nitong mandatory drug tests para sa mga guro at maging sa grade 4 pupils at pataas.

Sinabi ni PDEA Director-General Aaron Aquino na lubhang kailangan ang hakbang kasunod ng serye ng drug operations na natuklasan ang pagkakasangkot ng ilang guro at mga batang mag-aaral, na ang pinakabata ay 10-taon gulang lamang.

Nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Dangerous Drugs Board (DDB) at sa Department of Education (DepEd) kaugnay sa panukala.

Kaugnay nito, isasalang na ng Quezon City government ang mga estudyante sa public high school at colleges sa lungsod sa mandatory drug tests kahit walang consent ng kanilang mga magulang.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ito ang ibinunyag ni Vice-Mayor Joy Belmonte mataos ipahayag ng PDEA na mayroong “100 percent drug affectation in Quezon City” sa lahat ng antas ng eskuwela.

Gayunman, nagpahayag si Education Secretary Leonor Briones na bukas siya sa pagsasagawa ng drug tests sa mga estudyante ngunit iginiit na kailangan munang kunin ang pahintulot ng mga magulang.

Ayon pa kay Briones, maselang usapin ang pagsalang sa mga estudyante sa drug tests at isinuhestiyon na gawin na lamang ito sa select portion ng populasyon ng mga estudyante.

-Chito Chavez