HINDI na lihim sa kanyang fans na mahilig magkuwento si Demi Lovato tungkol sa kanyang mga problema sa pamamagitan ng mga liriko ng kanyang awitin, kaya naman hindi naiiba ang kanyang latest single na Sober.

Demi copy

Ngunit ibinunyag ng singer—na nasaksihan ng publiko ang paglaban niya sa pagkalulong sa alak at droga sa nakalipas na mga taon—sa pamamagitan ng kanyang musika na nag-relapsed siya makalipas ang anim na taon, at bumalik sa dating bisyo.

“Mama, I’m so sorry I’m not sober anymore/And Daddy, please forgive me for the drinks spilled on the floor,” birit niya sa chorus. “To the ones who never left me/We’ve been down this road before/I’m so sorry, I’m not sober anymore.”

Relasyon at Hiwalayan

'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa

Nagpaskil din siya ng videos sa kanyang Instagram na may caption na “My truth...”

Ikinagulat ng fans ang lyrics at ang mere existence ng bagong awitin, at hindi nila inasahan ito. Nitong unang bahagi lamang ng taon ay nagsalita si Demi kung paanong lubusan na niyang naiwaksi ang alcohol addiction.

“I feel like I’ve conquered my addiction and alcoholism in a way I don’t think about it anymore,” aniya kay Dr. Phil.

Gayunman, nanatili siyang tapat tungkol sa kanyang struggles. Sa InStyle cover interview ngayong taon, nagsalita si Demi tungkol sa pag-iwas sa mga tukso at hindi panonood ng TV shows, gaya ng Narcos at Breaking Bad. “Weed doesn’t bother me, but if I see coke or pills or even needles, it just puts them in my brain, and I don’t need to see that.”

Sa huling bahagi ng kanyang bagong awitin, nangangako si Demi na hihingi ng tulong para maiwaksing muli ang bisyo.

HERE FOR YOU

Labis namang naapektuhan si Iggy Azalea sa awitin ni Demi, at kaagad na nag-tweet ng kanyang suporta sa kaibigan.

“Waking up listening to @ddlovato ‘sober’ (sic),” tweet ng Australian hip-hop star. ‘Im proud of you for having the guts to reveal your truth to the world again. NOT. EASY. Im here for you friend! (you know this) I pray you’ll choose recovery again.

“All of us who love you only want to see you happy and heathy (healthy),” tweet pa ni Iggy, na tinapos ang post sa tatlong heart emoji.

Nag-joke rin si Iggy at ginunita ang mga nakakatawang pangyayari noong kasama siya sa pagse-celebrate sa six-year sober anniversary ni Demi noong Marso ngayong taon, bago nangako ng katapatan sa kaibigan.

“I was there the day we sung you happy birthday for 6 years sober,” pagbabahagi ni Iggy. “I jumped a random persons fence in my PJs (pyjamas) to come get you, even when you had no clue I was gonna pop up on your a**. lmao.

“I am prepared to keep doing crazy s**t b**ch. deal with it cause I love you (sic),” aniya pa.