BABALIK sa bansa ang iconic 90’s hip-hop group na Bone Thugs-N-Harmony para sa mag-concert sa Setyembre.

Bone Thugs-N-Harmony

Inanunsiyo ng Ovation Productions nitong Huwebes na live dadalhin ng R-n-B legend ang kanilang throwback hits sa Mall of Asia Arena sa Setyembre 5.

Sinimulan ng R-n-B legend ang kanilang karera noong early 90’s kasama sina rappers Krayzie Bone, Layzie Bone, Bizzy Bone, Wish Bone, at Flesh-n-Bone.

Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars

Ang Grammy award-winning group ang nasa likod ng memorable hits gaya ng The Crossroads at Thuggish Ruggish Bone.

May mga collaboration din ang grupo sa iba’t ibang artist gaya nina Akon, Tupac Shakur, Mariah Carey at Phil Collins.

Mabibili ang tickets para sa concert sa SM ticket outlets o sa smtickets.com simula Hunyo 23.

Manila Bulletin Entertainment