ANG NCAA Season 83 championship trophy ang natatanging karangalan na nakamit ni San Beda College co-captain Robert Bolick sa nakalipas na season. Ang individual award na naging mailap sa kanya ay napasakamay ng matikas na forward nang parangalan bilang Player of the Year sa 2018 Chooks-to-Go Collegiate Basketball Awards sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros.
Ang 6-foot-1 guard ang nagsilbing lider para sa Red Lions sa kanilang pag-angkin sa ika-21 pangkalahatan nilang titulo sa liga.
Ngunit, napagkaitan siya ng individual award dahil sa kontrobersiyal na ejection sa elimination round game at matalo ng teammate na si Donald Tankoua bilang Finals MVP.
Nag-deliver si Bolick sa mga krusyal na pagkakataon sa nakaraang finals campaign ng Red Lions na naging dahilan upang ipagkaloob sa kanya ang natanging parangal sa event na sinuportahan ng Chooks-to-Go, Cherrylume, at The Bayleaf.
Ang pride ng Ormoc, Leyte ang unang NCAA standout na nahirang para maging Player of the Year kasunod ng unang apat na pawang UAAP standouts na sina Jeron Teng at Ben Mbala ng La Salle, Ateneo guard Kiefer Ravena, at Far Easton University forward Mac Belo.
Kasama naman ni Bolick na napili para sa Mythical Team sina Green Archer Mbala, Pirate Perez, at Blue Eagles Matt Nieto at Thirdy Ravena.
Samantala, pinarangalan naman sina San Beda coach Boyet Fernandez at Ateneo mentor Tab Baldwin bilang Coaches of the Year.
Iginawad naman ang Special Awards kina women’s basketball legend Afril Bernardino ng National University, University of the East scoring machine Alvin Pasaol, Isaac Go ng Ateneo at Donald Tankoua ng San Beda at ang koponan ng Lyceum Pirates.
-Marivic Awitan