NAITALA ng BanKo Perlas ang ikatlong sunod na panalo matapos makaungos sa dikdikang five-set duel sa Iriga-Navy Lady Oragons, 25-17, 23-25, 28-26, 22-25, 15-12, nitong Miyerkules sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference quarterfinals sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

“Sinabi ko lang sa kanila na huwag sila magbigay ng libreng points,” ani BanKo coach Ariel Dela Cruz. “Kailangan magtrabaho ‘yung kalaban para ma-earn ‘yung points.”

Tabla sa 8-all sa kalagitnaan ng fifth set, naunang kumalas ang Banko Perlas matapos ang 3-0 spurt para sa 11-8 na bentahe na di na nila binitawan hanggang sa panalo.

“Actually may mga parts ng game na kaya na namin mag pull away,” ayon pa kay de la Cruz. “Sa fourth set, ang layo ng lead namin pero nagiging kampante lang masyado ‘yung team — nagre-relax kaya nakakahabol.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagposte si Thai import Jutarat Montripila ng 37 puntos upang pamunuan ang BanKo-Perlas. Nanguna naman sa Iriga sina imports Macy Ubben at Lauren White na may tig- 27 puntos.

-Marivic Awitan