SIYAM na taon na ang relasyon ni Valeen Montenegro at ng atletang boyfriend niyang Filipino-Spanish na si Selu Lozano, kaya naman sa presscon ng pelikula niyang The Write Moment ay tinanong naming siya kung kailan sila magpapakasal.

Valeen copy

“Ay wala pa po, at the write moment po siguro,” napangiting sabi ng dalaga, sinabing never silang nag-cool off sa buong nine years nila together.

Sa edad na 28 ay hindi pa raw naiisip ni Valeen ang magpakasal. Pero minsan ay napag-uusapan nila. “Jologs na usapan lang po,” pakli ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi raw seloso at very supportive ang boyfriend ni Valeen, kaya walang hassle sa pagsasama nila. Bagamat minsan ay nag-uusisa ito tungkol sa mga write-up na naglalabasan na nagli-link sa kanya sa kanyang mga leading man.

“Nagtatanong siya why does it come to that, pero alam naman niya, it’s the nature of work. You really need those (publicity). So, kahit anong publicity ‘yan, good or bad, it’s still publicity at naintindihan na niya.”

At dahil hindi showbiz si Selu kaya balanse ang relasyon nila, ayon kay Valeen.

“It does work because of the balance. Parang ako, bina-balance niya ako. Kasi alam ko na naman na hindi ko life ‘yung showbiz, hindi lang ‘yun ‘yung life ko.

“Siya naman, naba-balance ko kasi kung gaano ka-serious siya with work, ganun ako ka-hindi seryoso, I mean, ka-light. Parang I give out the bubbly side, the comedy side. Naba-balance namin ang isa’t isa.”

Diretsong tinanong namin si Valeen kung may alam si Selu tungkol sa marahil ay pinakamatinding isyung ipinukol sa kanya. Hindi namin binanggit ang pangalan ng guy pero na-gets ng aktres na ang tinutukoy namin ay ang dating asawa ni Ciara Sotto na si Joe Oconer.

“Ah, hindi. Hindi. Wala, wala po,” kaswal na sagot ni Valeen.

Hindi na kami nag-follow up pa ng tanong, dahil ramdam naming ayaw nang pag-usapan ni Valeen ang isyu na nangyari noong 2016.

For the record ay hiwalay na sina Joe at Ciara, na ang latest ay nag-file na ng annulment ang huli.

Samantala, 15 years na pala sa showbiz si Valeen, at itong The Write Moment ang unang pagkakataon na nagbida siya, dahil karamihan nga naman sa mga nagawa na niyang project ay puro supporting roles siya.

“It still feels surreal, kasi nga hindi lahat nabibigyan ng ganitong moment, ng ganitong time to shine. So I’m very thankful for all the blessings. Ang saya lang, all the hard work,” nakangiting sabi ni Valeen. “Kung nasa tama din ‘yung punta ng career mo, ng choices mo sa career mo, ito nga ang right moment.”Sa tanong kung pang-award ang acting ni Valeen, pinuri niya ang katambal niya sa pelikula.

“Ay, kay ‘Je (Gerald Napoles) po ako umasa, magaling po siya talaga dito,” papuri ni Valeen sa kanyang leading man.

Kahit taong 2017 pa ipinalabas ang The Write Moment sa QCinema Film Festival ay kinailangang ipalabas uli ito “for wider audience”, ayon kay Valeen.

Produced ng IdeaFirst at distributed ng Viva Films at CMB Films, showing na sa Hunyo 27 ang The Write Moment, sa direksiyon ni Dominic Lim.

-REGGEE BONOAN