Hiniling kahapon ng mga UV Express driver ang pagbibitiw sa puwesto ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra.

Ito ang panawagan kahapon ng mga transport group na Express Service Organization Nationwide (ESON), at Alyansa ng UV Express Service ng Pilipinas (AUESP).

Bukod dito, hiniling din nila sa pamahalaan na buwagin na lang ang LTFRB dahil sa patuloy umanong hindi pag-aksiyon sa kanilang hinaing.

Inihayag ni Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) Chairman Efren de Luna na bias o may kinikilingan ang LTFRB, dahil tanging ang mga transport network vehicle Service (TNVS) lang ang pinapaboran nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matagal na aniyang nakabimbin sa ahensiya ang kahilingan nilang bumuo ng programa upang ma-legalize ang serbisyo ng mga UV Express sa bansa.

Dapat, aniya, ay pantay ang pagtingin sa kanila ng LTFRB dahil bumuo na ang ahensiya ng legalization program ng TNVS at pinagkalooban pa ito ng special lane at provisional authority para sa 65,000 slots.

-Jun Fabon