WASHINGTON/UNITED NATIONS (Reuters) – Kumalas ang United States sa “hypocritical and self-serving” United Nations Human Rights Council nitong Martes, isang hakbang na ayon sa mga aktibista ay lalong magpapahirap sa pagsusulong sa human rights sa buong mundo.

Nakatayo katabi ni US Secretary of State Mike Pompeo sa State Department, binanatan ni U.S. Ambassador to the United Nations Nikki Haley ang Russia, China, Cuba at Egypt sa pagpigil sa mga pagsisikap ng Amerika na ireporma ang council. Binatikos din niya ang mga bansa na pareho ng values sa US at hinikayat ang Washington na manatili, ngunit “were unwilling to seriously challenge the status quo.”

Ito ang huling pagkalas ng Washington sa multilateral engagement matapos itong umurong sa Paris climate agreement at sa 2015 Iran nuclear deal.

“Look at the council membership, and you see an appalling disrespect for the most basic rights,” ani Haley, binanggit ang Venezuela, China, Cuba at Democratic Republic of Congo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi rin ni Haley na ang “disproportionate focus and unending hostility toward Israel is clear proof that the council is motivated by political bias, not by human rights.” Ikinalugod ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pasya ng U.S.

Binatikos ng rights groups ang Trump administration na hindi pinaprayoridad ang human rights sa foreign policy nito.

“Given the state of human rights in today’s world, the U.S. should be stepping up, not stepping back,” sinabi ni UNHRC chief Zeid Ra’ad al-Hussein matapos ipahayag ni Haley ang pagkalas ng Amerika.

Nagbabala ang 12 rights at aid groups, kabilang ang Human Rights First, Save the Children at CARE, kay Pompeo na ang US withdrawal “would make it more difficult to advance human rights priorities and aid victims of abuse around the world.”

Iginiit ni Haley na ang withdrawal “is not a retreat from our human rights commitments.”