Nasaksihan ng bansa ang pagsikat ng araw dakong 5:30 ng umaga at paglubog nito bandang 6:30 ng hapon – isang indikasyon na magiging mas mabaha na ang mga araw.

Ayon sa Philippine, Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang longest day at shortest night ng taon o tinatawag na “summer solstice” ay mangyayari sa Huwebes, Hunyo 21.

Ang summer solstice ay ang panahon na natatamo ng araw ang greatest declination nito na +23.5 degrees at direktang dumaraan sa itaas sa tanghali.

Sinabi ng PAGASA na tatagal ang daytime ng 12 oras at 59 minuto sa Hunyo 21. Sisikat ang araw dakong 5:28 ng umaga at lulubog bandang 6:27 ng hapon.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Inaasahan na magiging mas mahaba ang araw kaysa gabi sa susunod na tatlong buwan.

-Ellalyn De Vera-Ruiz