Naabo ang aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian nang masunog ang isang pagawaan ng wood craft sa Valenzuela City, nitong Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Valenzuela, sumiklab ang apoy sa nasabing wood craft factory sa River Side, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod, dakong 11:00 ng gabi.

Nagsimula umano ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali at mabilis na kumalat dahil puro kahoy ang nakaimbak sa lugar.

Nailigtas naman ang aabot sa 20 stay-in worker ng pabrika.

Internasyonal

3, patay sa 'knife attack' ng isang lalaki sa pampublikong lugar

Ayon sa arson investigator, idineklara nilang fire out ang insidente, na umabot sa ikalawang alarma, dakong 5:00 ng madaling araw.

I n a a l a m p a n g mga imbestigador ang sanhi ng sunog.

-Orly L. Barcala