TULAD nang naipangako, kaagad na sumambulat ang Makati Skyscrapers nang pabagsakin ang Basilan, 77-65, nitong Martes sa kanilang debut match sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Baliuag Star Arena sa Bulacan.
Nakabangon ang Skyscrapers sa 12 puntos na paghahabol sa first half gamit ang matinding depensa tungo sa dominanteng panalo. Naipuwersa ng Makati ang Basilan sa 34 turnovers na naigawa nila sa 38 puntos.
Pinangunahan ni Cedrick Ablaza ang pagbabalik ng Skyscrapers sa second half, bago kumilos si Philip Paniamogan.
Kumana si Paniamogan, dating pambato ng Jose Rizal University, sa naiskor na 19 puntos mula sa 7-of-21 shooting, habang tumipa sa Ablaza ng 18 puntos.
Nag-ambag sina Rudy Lingganay at James Mangahas ng tig-11 puntus.
Nanguna ang beteranong si Jojo Tangkay sa Basilan sa naiskor na 16 puntos, limang rebounds at limang assists.
Iskor:
Makati (77) - Paniamogan 19, Ablaza 18, Mangahas 11, Lingganay 11, Apinan 6, Lasquety 6, Mocon 4, Importante 2, Manlangit 0, Isip 0, Villanueva 0
Basilan (65) - Tangkay 16, De. Daa 15, Ababon 11, Acosta 7, Dumapig 5, Foronda 4, Lusdoc 2, Di. Daa 2, Garcia 2, Bautista 0
Quarterscores: 11-19, 30-33, 51-48, 77-65