Supendido ang isang towing company dahil sa ilegal na pagdadala ng mga hinatak na motorsiklo sa sariling garahe nito sa halip na sa impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Jojo Garcia na pinatawag ng indefinite suspension ang Arrom Towing Services bunga ng reklamo ni Johny sa Metrobase, na nahatak ang motorsiklo at dinala sa garahe sa ilalim ng Balintawak Bridge, sa Quezon City.

Nagkasa ng entrapment operation ang MMDA personnel at nadiskubre ang lima pang nahatak na motorsiklo sa garahe ng nasabing towing company, na malinaw na paglabag sa rules at protocols ng ahensiya. “All towed vehicles must be brought to the MMDA’s impounding site, no other place,” ani Garcia.

Inabisuhan ni Garcia ang publiko na ang lahat ng towing service operation ay dapat na may kasamang tauhan ng MMDA “who issue citation tickets, not the towing crew.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

-Bella Gamotea