TACURONG CITY, SULTAN KUDARAT- Inaresto ng awtoridad ang dat ing vi ce-mayor ng Lambayong, na nasamsaman ng mga hindi lisensiyadong baril, nang salakayin ang kanyang bahay sa Barangay San Pablo dito, kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Joefil Siason, Tacurong city police chief, ang inaresto na si Mauya Tungkay, 67, dating vice-mayor ng Lambayong, Sultan Kudarat, na nakuhanan ng dalawang hindi lisensiyadong .45 caliber pistols.

Ayon kay Siason, ang pagsalakay ay isinagawa nang makatanggap ng impormasyon na nagtatago ang suspek ng ilang ilegal na baril.

Pinaniniwalaang miyembro si Tungkay ng Moro Islamic Liberation, ayon sa awtoridad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahaharap si Tungkay sa kasong illegal possession of firearms at naghihimas ng rehas sa Tacurong City police station.

-Joseph Jubelag