FOREIGN movie ang dating sa amin ng Cry No Fear nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, nang mapanood namin ito sa ginanap na premiere night nitong Lunes ng gabi, sa SM Megamall Cinema 7. Produced ng Viva Films ang pelikula at idinirihe ni Richard Somes.

Donnalyn, Direk Richard at Ella copy

Napanood na namin nang ilang beses ang ganitong plot ng istorya sa Hollywood movies, kaya may ideya na kami kung ano ang mga susunod na mangyayari habang pinapanood namin ang pelikula.

Ang mapupuri ay ang dalawang bidang sina Ella at Donnalyn, dahil kitang-kita mo ang hirap nila habang sinu-shoot ang pelikula. Puro gabi ang shooting at may rain effect pa.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Kaya pala kuwento ng dalawa, tuwing uuwi sila ng bahay pagkatapos ng shooting ng Cry No Fear ay puro sila galos at sugat, kasi naman madilim kaya hindi na nila nakikita ang mga nabubunggo nila sa set.

Naikuwento rin nilang giniginaw sila sa shoot, at dumating pa nga sa puntong nilalagnat sila, dahil bukod sa puyat ay babad pa sila sa ulan.

Pero worth it naman ang pinaghirapang mga eksena nina Ella at Donnalyn, dahil maganda ang pagkakagawa ni Direk Richard. Masyado lang siyang tutok sa bawat eksena kaya bumabagal ang takbo ng kuwento.

Kuhang-kuha nina Ella at Donnalyn ang emosyon ng mga nanonood na naiirita sa kanila sa tuwing nagsisigawan sila, kaya sila natatagpuan ng mga kaaway kahit na anong tago nila.

Tanungan tuloy ng mga katabi naming nanonood, Ganu’n ba talaga kapag nagtatago ka, nag-iingay ka rin?”

Ang kuwento ng Cry No Fear ay babala sa lahat na huwag basta magtitiwala sa mga taong hindi kakilala, at dapat maglagay ng mga CCTV sa palibot ng bahay, at ikandado nang mabuti ang bahay kapag naiiwang mag-isa.

Ipinalabas na kahapon ang Cry No Fear sa lahat ng sinehan nationwide.

-Reggee Bonoan