MAS type pala ni Kris Aquino si Alden Richards kaysa kay Joshua Garcia.

Alden copy

Kung sakaling kaedad ng Queen of All Media ang ka-love team ni Julia Barretto at co-star niya sa I Love You, Hater, ay hindi raw siya magkakagusto kay Joshua.

“Ay, Joshua please don’t hate me ha, kung sing-age ako ni Julia, sorry ABS-CBN don’t hate me for my answer, si Alden ang pipiliin ko. Sorry po, I apologized and no offense to anybody here. Tropang Joshua, don’t hate me pero kasi ang kay Julia kay Julia na, so si Alden libre pa,” paliwanag ni Kris sa presscon ng pelikula sa Dolphy Theater nitong Lunes ng gabi.

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi

Nabanggit din ni Kris na sana ay nakinig siya sa mommy niyang si dating President Cory Aquino noong bata-bata pa siya, pagdating sa usaping pag-ibig.

“Kung ano ang inakala ko about love rati na totoo ba, inisip ko dati na ang love dapat mahirap, para bang in true love dapat against all odds. Mali rin ako. Because when it should be love, it could be effortless,” sabi ni Kris.

May pinagsisihan ba si Kris pagdating sa pag-ibig?“Oh, yes, P40-million worth,” mabilis niyang sagot, tinukoy ang kabuuang halaga na nakuha ng ex-husband niyang si James Yap nang maghiwalay sila.

Samantala, umabot naman sa mahigit P1 milyon ang ipina-raffle ni Kris sa nasabing presscon, kaya naman umuwing masaya ang lahat.

Totoong “Christmas in June” ang pasabog ni Kris nang ipamudmod niya ang apat na Oppo headset Bluetooth 4.1, limang tig-P10,000 BDO cash card, apat na P25,000 gift certificate ng National Bookstore, anim na P25,000 gift certificate ng S&R, isang P50,000 gift certificate ng S&R, apat na PLDT Home Best Buy Bundle worth P41,920, isang Ultherapy gift worth P140,000.

Kabilang din sa mga ipinamahagi ni Kris ang tatlong 43-inch Samsung Smart TV, apat na 32-inch Samsung Smart TV, isang Samsung Note 8 cell phone, isang Nespresso Machine, isang Canon Powershot Camera 11, isang iPhone X, isang cart of products distributed locally by Benby, isang set ng Asvel products worth P10,000, at isang Macbook Air .

Bukod sa mga nabanggit ay may loot bags pa na naglalaman ng mga produkto ng Ever Bilena, GCs ng Chowking at Nacho Bimby, Sariroti bread, Ambipur, Iflix, Unipak sardines, Fucidin tablets, Petron shirt, Vicks, at marami pang iba.

Sobra ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya at sa lahat ng blessings na dumarating sa kanyang buhay, lalo na at hindi pa man naipapalabas ang I Love You, Hater ay may kasunod na uling pelikulang gagawin si Kris sa Star Cinema.

Ayon sa non-digital manager niyang si Erickson Raymundo, in two weeks time ay malalaman kung ano ang concept ng nasabing pelikula.

-Reggee Bonoan