SEOUL, South Korea (AP) — Paparada ang mga atleta ng magkaribal na South at North Korea sa ilalim ng iisang bandila sa opening at closing ceremony ng Asian Games sa Agosto, ayon sa opisyal ng dalawang bansa.

Ang desisyon ay tila susog sa naganap na pagpupulong nina U.S. President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Nagkasundo ang mga sports officials ng dalawang bansa na magusap sa border village para pagsamahin ang mga atleta sa hindi pa matukoy na bilang ng sports sa Asian Games na nanakatda sa Agosto 12-27 sa Jakarta, Indonesia.

Sa naturang pagpupulong, nagkasundo rin ang Sokor at Nokor na magsagawa ang friendly basketball matches sa Pyongyang at Seoul. Nauna nang iminungkahi ni Kim ang matches sa kaagahan ng summit kay South Korean President Moon Jae-in, ayon sa isang South Korean sports officials.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kamakailan, nagkita at nagkausap sina Trump at Kim sa Singapore kung saan nangako si Kim na ititigil ang kilos militar sa upang makaiwas sa anumang gusot.