NAMAYAGPAG ang superhero movie na Black Panther sa MTV Movie & TV Awards nitong Lunes, nang mag-uwi ang pelikula ng apat na tropeo, kasabay ng pagkilala sa mga homosexual, kababaihan at iba pang pumalag sa bullying.

Black Panther casts

Tumabo ang Black Panther, isang black all-cast movie, ng mahigit $1.3 billion sa global box office, at nagwagi ng Best Movie, Best Villain para kay Michael B. Jordan sa kanyang karakter na si Killmonger, at Best Performance at Hero para kay Chadwick Boseman.

Ibinigay naman ni Chadwick, gumanap na hari sa fictional African nation na Wakanda, ang kanyang tropeo sa isang lalaking walang koneksiyon sa Hollywood.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“An award for best hero is amazing but it’s even greater to acknowledge the heroes we have in real life,” sabi ni Chadwick.

Dinala niya sa stage si James Shaw Jr., 29, ang electrician na lumaban sa gunman na pumatay sa apat na katao sa Waffle House outlet sa Nashville noong Abril, para isalba ang buhay ng iba pang mga kustomer.

“This is gonna live at your house,” sinabi ni Chadwick kasabay ng pag-aabot ng tropeo kay James.

Samantala, pinasalamatan ng Black Panther actor na si Winston Duke ang kanyang fans sa suporta sa pelikula, na naging patunay na ang Hollywood ay tungkol sa broader appeal ng black films, para kilalaning pangatlo sa highest-grossing film of all time sa North America.

“Thank you all for investing not just in a beautiful story but for investing in a continued conversation on what this industry and what this culture can achieve,” sabi ni Duke.

Muli ay ipinahayag ng youth-oriented MTV network, na kilala sa kakaiba nitong award shows, ang gender classifications, at pinagsama-sama nito ang kababaihan at kalalakihan sa performance categories, na hakbangin para tanggapin ang equality at gender fluidity.

Tinagurian ang Stranger Things bilang Best TV Show at nagwagi si Millie Bobby Brown, 14, ng Best TV Performance para sa kanyang karakter bilang si Eleven. Ginamit ng British teenager, na nag-delete ng kanyang Twitter account nitong nakaraang linggo dahil sa dagsa ng pambabatikos, ang kanyang acceptance speech para magsalita laban sa bullying.

“If you don’t have anything nice to say, just don’t say it. There should be no space in this world for bullying and I’m not going to tolerate it, and neither should you,” sabi ni Brown.

Tampok sa MTV awards ang mga blockbuster movie at popular TV shows at itinaguyod ang sarili bilang isang antidote sa winter Hollywood awards season, kung saan binigyang-pugay ang mas seryosong fare. Ang mga nagwagi ay pinili ng fans sa pamamagitan ng pagboto online.

Nagwagi si Wonder Woman actress Gal Gadot para sa Best Fight, Keeping Up with the Kardashians ang Best Reality Show, at ang popular na Best Kiss ay napanalunan nina Nick Robinson at Keiynan Lonsdale para sa kanilang Ferris wheel scene sa gay teen movie na Love, Simon.

Naiuwi naman ni MTV Movie & TV Awards host Tiffany Haddish ang Best Comedic Performance para sa kanyang breakout role sa 2017 movie na Girls Trip.

Iginawad kay Jurassic World at Avengers: Infinity War actor Chris Pratt ang annual Generation Award, kaya napabilang siya sa listahan ng mga unang nagwagi ng katulad na karangalan na kinabibilangan nina Tom Cruise, Sandra Bullock at Will Smith.

Iginawad naman sa actress-writer na si Lena Waithe, ang unang black woman na nagwagi ng screenwriting Emmy noong nakaraang taon at isa ring gay, ang Trailblazer trophy.

-Reuters