KUMUBRA sina National player Jack Danielle Animam at rookie Kaye Pingol ng tig-12 puntos para sandigan ang National University Lady Bulldogs laban sa University of Santo Tomas Tigresses, 58-52, nitong Linggo at mapanatili ang women’s crown ng 24th Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament.

IPINAGKALOOB ni Commissioner Robert de la Rosa ang championship trophy sa mga miyembro ng National University Lady Bulldogs.

IPINAGKALOOB ni Commissioner Robert de la Rosa ang championship trophy sa mga miyembro ng National University Lady Bulldogs.

Nag-ambag si Rheena Itesi ng 11 puntos, habang tumipa ang beteranong si Ria Nabalan para tapusin ng Lady Bulldogs ang kampanya sa walong panalo at isang talo sa St. Placid gymnasium of the San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Kumana rin ang baguhang si Jeanne Camelo, nakuha mula sa Chiang Kai Shek College, sa naiskor na siyam na puntos, tampok ang dalawang three-pointer para makopo ng Lady Bulldogs ang ikatlong titulo sa nakalipas na apat na season sa torneo na itinataguyod ng Cocolife.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m happy that we won again. For the girls, this is a learning experience, especially for the new ones in the group,” pahayag ni Lady Bulldogs coach Patrick Aquino.

Nanguna si Grace Irebu sa Tigresses na may 16 puntos.

Sa iba pang laro, nagsalansan si Nico Abatayo ng 11 puntos, habang tumipa si Anthony Sistoza ng siyam na puntos para gabayan ang NU Bulldogs sa 72-62 panalo kontra Our Lady of Fatima University para manatiling nasa No.3 tungo sa quarterfinals sa Group A ng senior division.

Kumana si Adama Diakhite ng 23 puntos para sandigan ang defending champion Diliman College Blue Dragons sa 72-65 panalo kontra University of the East at manatiling nasa unahan ng team standings tangan ang 3-0 karta.

Pinataob ng Adamson Baby Falcons, sa pangunguna ni Adam Doria na kumana ng 13 puntos, ang Hope Christian School, 85-71, para sa ikalawang panalo sa junior division