Nagkasundo ang mga paring nakatalaga sa Diocese ng San Pablo, Laguna na huwag humawak ng baril, sa kabila nang pagpatay sa tatlong pari sa bansa kamakailan.

Ayon kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)- Episcopal Commission on Clergy, nagpulong siya at ang mga pari sa kanilang diocese kamakalawa at nagkasundong hindi sila magma-may-ari ng baril.

“We came up with a common policy. Each will not own a gun,” ani Famadico, sa panayam ng church-run sa Radio Veritas.

Un a n a n g n a g p a h a y a g ng pagtutol si Famadico sa pagkakaroon ng baril ng isang pari dahil taliwas umano ito sa misyon ng Simbahan na magpalaganap ng kapayapaan sa lipunan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sakali umanong mayroong pari na nagmamay-ari ng baril ay hihikayat in niya i to na makipamuhay sa kapwa pari na pinahahalagahan ang kawalang karahasan sa lipunan at higit na isinasabuhay ang mga turo ng Panginoon.

“I will talk with him and convince him to unite himself with his fellow priests in living out the value of non-violence,” anang Obispo.

Kamakailan ay iniulat na may ilang pari sa Laguna na nagdadala ng baril bilang proteksiyon sa sarili.

Samantala, naninindigan din sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na hindi nararapat mag-armas ang mga pari.

-Mary Ann Santiago