GINAPI ng Santos Knight Frank (SKF) Mavericks ang mahigpit na karibal na HMR Ibons, 18-14, para angkinin ang 2018 Domestic SPI Championship, habang nasungkit ng Eagles RFC ang Premiership Division nitong weekend sa National Rugby Championship sa Southern Plains, Calamba, Laguna.

Tulad ng inaasahan, dikdikan at mahigpitan ang duwelo na nagdagdag sa kasabikan ng mga tagahanga. Nakuha ng Mavericks ang 5-0 bentahe mula sa line break ni Ronald Longasa. Muling kumana si Longasa ng 5 pointer bago nakabuelta ang HR Ibon.

Mula sa 12-7 iskor, umiskor si Matthew Cowley sa penalty para hilahin ang bentahe ng Mavericks sa 15-7.

Patuloy na nakihamok ang HMR Ibons ang nagawang maidikit ang iskor sa 15-14 may 10 minuto ang nalalabi sa laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, hindi nagpabaya sina Jeremy Hernandez, Jed Dimaguya at Lito Ramirez. Sa kabilang ng matinding depensa nina Ibon’s Jovic Paypon at Lyndon Adlao, nagawang makaabante ng Mavericks sa pamamagitan ng penalty para masigurado ang panalo.

“A remarkable final, one of the best in Philippine Rugby history. The Mavericks and Ibons can each be proud, one very good game of Rugby to watch” pahayag ni Jovan Masalunga, Competitions Manager ng Philippine Rugby.

Matapos ang domestic season, nakatuon naman ang pansin sa National Team Philippine Volcanoes na sasabak bilang host sa Singapore para sa Asia Rugby Division 1 Championships. Inaasahang magagamit ng Volcanoes bilang bentahe ang homecrowd.

Magtutuos din para sa curtain-raiser ang Philippine Residents XV kontra Penguins RFC ganap na 1:00 ng hapon.

Umusad ang HMR Ibons sa championship nang pabagsakin ang Manila Carabaos, habang nasilat ng SKF Mavericks ang liyamadong Subic Shark Jets sa hiwalay na semifinal match.